NOSTALGIC... JUST NOSTALGIC. HAAAAY!
Just few weeks from now, gagaraduate na kami ng mga blockmates ko. Nakakalungkot isipin pero kailangan talagang maghiwa-hiwalay. After four long years, we've come to the end of this race. Tired and worn out we're left with nothing but great responsibilities ahead and the memories that we'll surely keep for the days forward.
Parang kailan lang talaga, nang una akong tumapak sa classroom na iyon, wla akong kilalang mukha, lahat bago, pati amoy bago, umupo ako sa isang sulok, tahimik akong umupo habang pinagmamasdan ang panibagong mundong pinasok ko. May maingay na... swerte nila magkakakilala sila kagad. Natatakot pa ako noon, hindi ako sanay sa mundong di ko kinamulatan. Pero isang tapik lang sa balikat at isang ngiti ang nagsindi ng mitsa ng pagkakaibigang di ko inasahang matatagpuan.
Masaya. Lahat kami masasaya. IIsa ang pahiwatig ng mga tawa. Mga uhaw sa kaligayahan. Hahaha. May tawanang nakakaasar, may tawanang sweet lang, may nakakpikon at meron ding plastik. Pero lahat tunog ng kaligayahan. Lahat makabuluhan.
Kwentuhan. Madalas makita sa iba't ibang sulok ng classroom maging sa corridor hindi pinatawad. Kwentuhang maingay na ilang beses nanag nakabulabog ng klase ng iba. Kwentuhang masinsinan, kwentuhang showbiz, kwentuhang gala, kwentuhang kalibugan, kwentuhang kwento, kwentuhang seryoso, kwentuhang plastik, kwentuhang jowa, kwentuhang laitan. Ilang milyong salita ang naibahagi, ilang laway ang tumalsik. Makabuluhan man o hindi, ang mga kwentuhang iyon ang naging slambook ng bawat isa sa amin apara kilalanin ang bawat isa. Nakita ang bawat pagkatao. Dahil lamang sa apat na taong kwentuhan.
Talento. Di matatawaran ang mga talento. Mula sa panggagaya, isama na ang pangokray. Ang mga art projects na tampulan ng tukso, ang mga musikerong maginoo, ng mga mananayaw at ang mga models. Talentado. Apat na taong nahubog ang mga kakayahan. Apat na taong din naipamalas at nagtagumpay. Ang talentong walang katulad.
Pagkakaibigan. Hinding hindi ko makakalimutan ang salitang to. dito ako nakakilala ng mga taong "strange" talaga. Di ako "aware na nageexist pala sila sa mundong ito. Tunay ngang maliit ang mundo. Nagkita-kita kami. Mga taong nagtitiwala at nagmamahal sa akin. Yan ang 1NTREPIDOS. Kya siguroako nalulungkot dahil alam kong may mawawala sa akin pag gumraduate na kami. Madaling sabihin na walang limutan, pero hindi ko pa rin alam ang mangyayari sa kinabukasan. Nalulungkot ako dahil hindi ko na sila makikitang madalas. Di ko na sila madalas makakakwentuhan at hindi ko na sila madalas mapagmamasadan. Hahanap hanapin ko ang mga boses nila pag tinatawag nila ang pangalan ko, ang pagtapik nila sa balikat ko, ang mga ngiti ng bawat isa, ang mga tawa, ang mga mata at ang samahang itatago ko. Sabi nga ng kaibigan ko, " Sa paglisan ng bawat tao, may mga magbabago sa kanyang naiwan, anumang gawin niy, may magbabago't magbabago parin". Tama siya, may magbabago nga, pero sana hindi magkalimutan.
Ilang tagay man ang nasayang dahil sa mga ayaw magpass sa inuman, ilang chicha man ang nasayang ng mga taong hindi shuma-shot, ilang outing man ang mga di sinamahan ng mga "kj", ilang professor man ang napikon at nagwalkout dahil sa amin lahat naman ng iyon nagdulot ng di malilimutang sandali sa buhay kolehiyo ko. Ibang iba ang karanasang ito, dito ko napatunayang pwede mong maging kapamilya ang taong hindi mo kilala. Nalulungkot ako, sobra. pero kailangan ito.
"The finsih line is just the beggining of the whole new race" narinig ko to sa OPRAH show. Tama ito. Hindi dito nagtatapos ang lahat. May kasunod pa. At sana sa susunod na race namin, magkakasama pa rin kami. Hihintayin ko ang araw na muli naming pagkikita-kita... sa finish line.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment