-SIGH-
tatakas, tatakbo
sa isang sulok dun magtatago
dala ang isang marupok na pagkatao
pipiliing manahimik,
ititikom ang bibig
hanggang sumabog ang dibdib
takot, tuwag
dahilang di mapaliwanag,
ng pagkataong di mailadlad
sisilip, sisimoy
sa mundong minsang nagtaboy
sa taong puno ng panaghoy
tatakas, tatakbo,
sa isang sulok dun magtatago
hawak ang isang marupok na pagkatao.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment