SUMILANG ANG UMAGA,
MABIGAT,MALAMIG.
MAY LUMBAY SA PAGMULAT NG MGA MATA.
DINGGIN MAN ANG HUNI NG MGA IBONG UMAAWIT.
AYOKONG MAGSINUNGALING.
KAILANMAN HINDI AKO MANINIWALA.
KAYLUNGKOT NG ISANG PAMAMAALAM.
KAILANMAN DI KO NAPAGARALAN,
KUNG PAANO TANGGAPIN ANG ISANG PAGLISAN.
WALANG MUWANG. ISANG PUWANG ANG MAIIWAN.
DADALOY ANG ARAW.
MULI'T MULI DADANASIN ANG GANITONG PAGLALAKBAY.
AT MULI'T MULI AY MAY LILISAN...
MULI'T MULI MAY PUWANG NA MAIIWAN.
SAPAT NA ANG AKING NATUTUNAN,
HIGIT PA NGA SA AKING INASAHAN.
MARAHIL ITO NA ANG HANGGANAN.
PANIBAGONG KARANASAN NA SA KINABUKASAN.
NAIS KONG MAKASAMA KA.
SA LANDAS NA AKING MAKIKITA.
KUNG HINDI MAN, SA DULO HIHINTAYIN KITA.
KAYLUNGKOT NG ISANG PAMAMAALAM.
ITATAGO KO ANG BAWAT ALAALA MO,
WARI KO'Y MAGKIKITA PA TAYO.
SA ISANG IGLAP, DI KO MAMALAYAN,
SABAY NA TAYONG NAGLALAKBAY.
SISILANG ANG UMAGA.
MAINIT AT PUNO NG SAYA.
No comments:
Post a Comment